7 TIPS TO MAKE PEACE WITH YOUR MIND – MOTIVATIONAL VIDEO

Video Title: 7 TIPS TO MAKE PEACE WITH YOUR MIND – MOTIVATIONAL VIDEO Panatilihing bukas ang pintuan ng iyong buhay. Bukas sa harapan at bukas sa likuran. Hayaan mong pumasok ang iyong iba’t-ibang iniisip at hayaan mo ring ito’y lumabas.…

7 TIPS TO MAKE PEACE WITH YOUR MIND - MOTIVATIONAL VIDEO

Source

0
(0)

Video Title: 7 TIPS TO MAKE PEACE WITH YOUR MIND – MOTIVATIONAL VIDEO

Panatilihing bukas ang pintuan ng iyong buhay. Bukas sa harapan at bukas sa likuran. Hayaan mong pumasok ang iyong iba’t-ibang iniisip at hayaan mo ring ito’y lumabas. ‘Wag mo lang silang pagsilbihan.

Ang daming mga bagay na mas nakakainis sa buhay. Pero alam mo ba ang MAS NAKAKAINIS? Ang ingay sa loob ng ulo mo. Isang abalang isip na hindi tumitigil at hindi ka bibigyan ng kapayapaan. Nakakapagod ang ganitong isipan.

May mga araw na akala mo perpektong araw na ‘yon. Masaya ka na sa mga ginagawa mo. Naramdaman mo na ang payapang paligid. Pero bigla na lang susulpot ang negatibong isipan. Naiisip mo na lang kung anong gagawin mo bukas. Kung bukas ba’y masaya ka pa rin. Kung anu-ano na lang ang maiisip mo. Bigla mo na lang nakakalimutan ang kagalakan sa araw na ‘to. Dahil sinasakop ka ng ingay sa ulo mo.

Kapag sinasakop ka ng walang kabuluhang ingay na isipan at wala kang ideya kung paano ito ihinto, nakakapagod talaga. Alam ko. Ito ay ang matinding pagdurusa sa loob ng aking ulo na humantong sa akin na lumabas nang mag-isa at manatili sa kalikasan. Sa kalikasan ko inilabas ang aking negatibong isipan. Sa kabutihang palad, mabilis kong natuklasan kung paano ko pinatahimik ang maingay kong isip at hindi pala gaanong kahirap tulad ng inaakala ko. Paano ko ba ‘yon ginawa? Hindi ko binago ang takbo ng aking isipan at hindi ko rin inayos. Ano ba ang ginawa ko? Hinayaan ko silang pumasok. Pero hindi ko sila pinagsilbihan. Hanggang sila’y lumabas ng kusa. Para sa akin kasi, mahirap kung pilitin nating alisin ang negatibong pag-iisip. Mas madali kasi kapag ito’y tanggapin natin.

Hindi naman ibig sabihin na perpekto na ang aking buhay. May mga araw pa ring nakakabaliw, nakakalito, nakakawalang gana dahil sa tindi ng negatibong papasok sa isipan ko. Pero hindi na ito katulad ng dati dahil nakokontrol ko na ang aking isipan. Kaya’t gusto kong magbahagi ng ilang mga katotohanan na sana ay makakatulong sa ‘yo na makamit ang katahimikan. Narito ang pitong tip na maaari mong simulang ilapat sa ‘yong buhay.

NUMBER 1 TANGGAPIN MO ANG INGAY SALOOB NG ULO MO

Alam naman natin na palagi tayong nag-iisip ng iba’t-ibang bagay araw-araw. Kaya’t hindi na nakakagulat na napakaingay nito. Kahit na ang mga tao na medyo mahinahon ay may maraming pinag-iisip ‘yan. Madali kasi tayong humusga na porket walang imik ang isang tao ay wala na rin siyang iniisip. Lahat tayo ay may tinatagong pinag-iisip. Kaya’t huwag kang magulat kung ba’t abala ang isip mo. Napakaingay na nito at ‘wag mo ng dagdagan pa. ‘Wag kang mag-isip na may mali sa ‘yo. Walang mali sa ‘yo. Ito ay NATURAL lamang. Kasi kung palagi ka lang umaasa na mawala ang pinag-iisip mo, para ka lang ding humihiling na sana’y lahat ng damo ay puputi. Hayaan mo lang sila na labas-pasok. Aalis sila ng kusa kung hindi mo sila pagsisilbihan.

TRANSCRIPT: https://bit.ly/3dEOo2B

Free HD Videos – No Copyright
Video Source: https://bit.ly/2CbklcQ

▶ New Vibes – Relaxing Music
Relaxing Classical Music | NO COPYRIGHT | Stress Relief, Instrumental Music, Study, Sleep
https://youtu.be/bvlNy_GxVe0

——————————————————————————————–

Hi everybody I write and speak all of the speeches myself, so if you need some material or want to do some sort of collaboration, feel free to contact me: junbal2177@gmail.com

——————————————————————————————–

Speaker:
Brain Power
https://www.youtube.com/brainpower2177

Facebook Page: https://www.facebook.com/brainpower2177

Instagram: @junbal2177
Twitter: @BrainPower2177

If you find my content helpful, click subscribe and the notification bell – https://www.youtube.com/brainpower2177

———————————————————————————————-

#Mindfulness #Meditation #BrainPower2177

0 / 5. 0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *